Mayo 4, 1964: Organong Kawayan ng Las Pinas - (1) Set ng 3 selyo; Espesyal na lathala
Halaga at Imahen:
5s – Organong kawayan
6s – Organong kawayan
20s – Organong kawayan
Hunyo 19, 1964: Bago, Mga Tanyag na Filipino, XI / Karaniwan at Opisyal na Selyo ni Jose Rizal - Set ng 2 selyo; Karaniwang lathala
Halaga at Imahen:
6s – Jose Rizal naka-suot ng barong Tagalog
6s na may “G.O.” – Jose Rizal naka-suot barong Tagalog
Hulyo 23, 1964: Sandaang Taon ng Kapanganakan ni Apolinario Mabini - Set ng 3 selyo; Pagpapaalalang lathala
Halaga at Imahen:
6s – Apolinario Mabini
10s – Apolinario Mabini
Agosto 19, 1964: Selyong Pangkawanggawa Kontra-TB - Set ng 4 na selyo; Selyong Pangkawanggawang lathala
Halaga at Imahen:
5s + 5s – Negros Oriental (2) Pabilyon
6s + 5s – Negros Oriental Pabilyon
30s + 5s – Negros Oriental Pabilyon
70s + 5s – Negros Oriental Pabilyon
Setiyembre 8, 1964: Ika-10 Anibersaryo ng Pinagkasunduang Organisasyon ng Timog-Silangan Asya (“Southeast Asian Treaty Organization” o “SEATO”) - Set ng 3 selyo; Pagpapaalalang lathala
Halaga at Imahen:
6s – (3-4) Simbolo ng SEATO napapaligiran ng mga bandera ng estadong miyembro
10s – Simbolo ng SEATO napapaligiran ng mga bandera ng estadong miyembro
25s – Simbolo ng SEATO napapaligiran ng mga bandera ng estadong miyembro
Disyembre 21, 1964: Kodigo ng Reporma sa Pagsasakang Lupain - Set ng 3 selyo; Espesyal na lathala para sa 3s at 6s; Panghimpapawid na lathala para 30s
Halaga at Imahen:
3s – Nagtatanim na kamay na may biyak na tanikala at Pangulong Macapagal pinipirmahan and kodigo
6s – Nagtatanim na kamay na may biyak na tanikala at Pangulong Macapagal pinipirmahan and kodigo
30s – Nagtatanim na kamay na may biyak na tanikala at Pangulong Macapagal pinipirmahan and kodigo
Disyembre 28, 1964: (5) Ika-18 Palarong Olimpiko, Tokyo - Set ng 4 na selyong may butas o ngipin at 4 na selyong walang butas o ngipin / Merong pares ang selyong walang butas o ngipin; Espesyal na lathala
Halaga at Imahen sa Selyong may Butas o Ngipin at sa Selyong Walang Butas o Ngipin:
6s and 6s – Basketbol
10s and 10s – (6) “Running: women's relay”
20s and 20s – (7) “Hurdles”
30s and 30s – (8) “Soccer”
Kahulugan, Talababa at Diksiyonaryo:
P - Piso (Philippine peso/pesos); c - centavo (centavos); s - sentimo (sentimos); x - i-multiply (multiply by; times); O.B. - Official Business (opisyal na gawain); G.O. - Gawaing Opisyal (official business)
(1) Set - Isang grupo o tumpok na magkakaparehong bagay; Kabuoan ng bilang ng magka-grupo o magka-kaparehong bagay; ilwego
(2) Pabilyon - “Pavilion” sa wikang Ingles; Isang gusali na ginagamit para sa tanging layunin
(3) Simbolo - “Emblem” sa wikang Ingles
(4) Estadong Miyembro - “Member-nations” sa wikang Ingles
(5) Palarong Olimpiko - “Olympic Games” sa wikang Ingles
(6-8) Running: Women's Relay, Hurdles, Soccer - Mga salitang Ingles na karaniwang ginagamit sa pang-araw-araw na usapan o sa pagsulat ng artikulo sa Filipino
(8) Soccer - Maaaring salin sa Filipino, “putbol”
Pagpapaalalang Lathala - Commemorative issue
Karaniwang Lathala - Definitive issue
Espesyal na Lathala - Special issue
Panghimpapawid na Lathala - Airmail issue
Selyong Pangkawanggawang Lathala - Semi-Postal issue
Lathalang Espesyal na Pagpapadala - Special delivery
Selyong may Butas o Ngipin - Perforate stamp
Selyong Walang Butas o Ngipin - Imperforate stamp
Merong Pares ang Selyong Walang Butas o Ngipin - Imperforate pairs of stamps exist
I – Una (first); II – Ikalawa (second); III – Ikatlo (third)
IV – Ikaapat (fourth); V – Ika-lima (fifth)
VI – Ika-anim (sixth); VII – Ika-pito (seventh); VIII – Ika-walo (eighth)
IX – Ika-siyam (ninth); X – Ika-sampu (tenth); XI – Ika-labing-isa (eleventh)