Pilatelika Pilipinas

Katalogo ng mga Selyo ng Pilipinas, 1961-1965

Mga Selyo ng Pilipinas - Taong 1962 - Pasalitang Paglalarawan

 

Enero 23, 1962: (1-2) Rikargong Selyong Pangkawanggawa Kontra TB - (3) Set ng 1 selyo; Halaga at Imahen: Rikargong 6s sa ibabaw ng 5c + 5c selyong pangkawanggawa Kontra TB lathala ng 1958

 

 

Enero 23, 1962: Espesyal na Pagpapadala - Set ng 1 selyo; Lathalang Espesyal na Pagpapadala; Halaga at Imahen: 20c - (4-5) Manila Central Post Office at kamay hawak ay sulat

 

 

Marso 9, 1962: (6-7) Mga Orkid ng Pilipinas - Set ng 1 (8-9) blokeng magkakadikit na 4 na selyong may butas o ngipin at 1 blokeng magkakadikit na 4 na selyong walang butas o ngipin; Espesyal na lathala

 

Halaga at Imahen para sa mga Selyong may Butas o Ngipin at Selyong walang Butas o walang Ngipin:

  5c at   5c – Waling-waling

  6c at   6c – Puting mariposa

10c at 10c – (10) Dendrob ni Sander

20c at 20c – Sanggumay

 

 

Mayo 13, 1962: Bago, Mga Tanyag na Filipino, I / Karaniwang Lathalang Apolinario Mabini - Set ng 1 selyo; Karaniwang lathala; Halaga at Imahen: 3s - Apolinario Mabini

 

 

Hunyo 12, 1962: Pagsumpa ni Presidente Diosdado Macapagal - Set ng 3 selyo

 

Halaga at Imahen:

  6s – Pagsumpa ni Presidente Diosdado Macapagal

10s – Pagsumpa ni Presidente Diosdado Macapagal

30s – Pagsumpa ni Presidente Diosdado Macapagal

 

 

Hunyo 19, 1962: Bago, Mga Tanyag na Filipino, II / Karaniwan at Opisyal na Lathala ng Selyo ni Jose Rizal - Set ng 2 selyo; Karaniwang lathala

 

Halaga at Imahen:

  6s – Jose Rizal naka-amerikana

  6s na may “G.O.” – Jose Rizal naka-amerikana

 

 

Agosto 19, 1962: Rikargong Selyong Pangkawanggawa Kontra TB - Set ng 3 selyo; Selyong Pangkawanggawang lathala

 

Halaga at Imahen:

  6s + 5s – Valdez (11) Pabilyon

30s + 5s – Valdez Pabilyon

70s + 5s – Valdez Pabilyon

 

 

Oktubre 24, 1962: (12) Paglipol sa Malariya - Set ng 3 selyo

 

Halaga at Imahen:

  6s – Bulkan at lawa ng Taal at simbolo ng paglipol sa malariya

10s – Bulkan at lawa ng Taal at simbolo ng paglipol sa malariya

70s – Bulkan at lawa ng Taal at simbolo ng paglipol sa malariya

 

 

Nobiyembre 15, 1962: (13) Nirikargo, Ika-200 Anibersaryo ng Himagsikang Diego Silang - Set ng 1 selyo; Halaga at Imahen: Tatak “20s ‘BICENTENNIAL Diego Silang Revolt’” sa ibabaw ng 25c karaniwang lathala ni Luna ng 1958

 

 

Nobiyembre, 1962: Bago, Mga Tanyag na Filipino, III / Karaniwan at Opisyal na Selyo ni Rajah Soliman - Set ng 2 selyo; Karaniwang lathala

 

Halaga at Imahen:

30s – Rajah Soliman

30s with “G.O.” – Rajah Soliman

 

 

Disyembre 23, 1962: (14-15) Rikargong Selyong Pangkawanggawa na Fruit Tree - Set ng 1 selyo; Halaga at Imahen: 5s sa ibabaw ng 5c + 1c selyong pangkawanggawang lathala na Fruit Tree ng 1952

 

 

Disyembre 30, 1962: Selyong Pangkawanggawa, (16) Pondo ng Pundasyon Rizal - Set ng 2 selyo; Selyong Pangkawanggawang lathala

 

Halaga at Imahen:

  6s + 4s – Jose Rizal naglalaro ng (17) ahedres

30s + 5s – Jose Rizal (18) nakikipag-espadahan

 

 

-------------------------

 

Kahulugan, Talababa at Diksiyonaryo:

 

P - Piso (Philippine peso/pesos); c - centavo (centavos); s - sentimo (sentimos); x - i-multiply (multiply by; times); O.B. - Official Business (opisyal na gawain); G.O. - Gawaing Opisyal (official business)

 

(1) Rikargo - “Surcharge” sa wikang Ingles

 

(2) Rikargong Selyong Pangkawanggawa Kontra TB - Anti-TB Semi-Postal Surcharged

 

(3) Set - Isang grupo o tumpok na magkakaparehong bagay; Kabuoan ng bilang ng magka-grupo o magka-kaparehong bagay; ilwego

 

(4) Manila Central Post Office - Mga maaaring salin sa wikang Filipino, “Pos-opis Sentral ng Maynila”, “Opisina ng Koreo Sentral ng Maynila” o “Tanggapan ng Koreo Sentral ng Maynila”

 

(5) Kamay Hawak ay Sulat - “Hand with letter” sa wikang Ingles

 

(6) Orkid - “Orchid” sa wikang Ingles

 

(7) Mga Orkid ng Pilipinas - “Philippine Orchids” sa wikang Ingles

 

(8) Bloke - “Block” sa wikang Ingles

 

(9) “Magkakadikit” - Tumutukoy sa salitang “se-tenant” ng wikang Ingles

 

(10) Dendrob - “Dendrobe” sa wikang Ingles

 

(11) Pabilyon - “Pavilion” sa wikang Ingles

 

(12) Paglipol sa Malariya - Malaria Eradication

 

(13) Nirikargo, Ika-200 Anibersaryo ng Himagsikang Diego Silang - Surcharged Diego Silang Revolt Bicentennial

 

(14) Rikargong Selyong Pangkawanggawa na Fruit Tree - “Fruit Tree Semi-Postal Surcharged” sa wikang Ingles

 

(15) Fruit Tree - “Bungang kahoy” sa wikang Filipino

 

(16) Pondo ng Pundasyon Rizal - “Rizal Foundation Fund” sa wikang Ingles

 

(17) Ahedres o Alhedres - “Chess” sa wikang Ingles; Gamit ang lumang alpabetong Pilipino, maaaring salin: “tses”

 

(18) Nakikipag-espadahan - Tumutukoy sa salitang “fencing”

 

Pagpapaalalang Lathala - Commemorative issue

Karaniwang Lathala - Definitive issue

Espesyal na Lathala - Special issue

Panghimpapawid na Lathala - Airmail issue

Selyong Pangkawanggawang Lathala - Semi-Postal issue

Lathalang Espesyal na Pagpapadala - Special delivery

Selyong may Butas o Ngipin - Perforate stamp

Selyong Walang Butas o Ngipin - Imperforate stamp

 

I – Una (first); II – Ikalawa (second); III – Ikatlo (third)

IV – Ikaapat (fourth); V – Ika-lima (fifth)

VI – Ika-anim (sixth); VII – Ika-pito (seventh); VIII – Ika-walo (eighth)

IX – Ika-siyam (ninth); X – Ika-sampu (tenth); XI – Ika-labing-isa (eleventh)

Katalogo o Listahan

1961   1962  1963   1964   1965

Imahen

1961   1962   1963   1964   1965


 

Hearts Philippines & Then Some

This is Uncle Alex and Gabby's website at Jimdo.com and this is the website for the Philippines and then some.

 

Help

 

Free Website at Jimdo.com

 

Pilatelika Pilipinas

Pilatelika Pilipinas at philippines-atbp.jimdofree.com

 

Photos

 

Gabby's Faith Expression

 

Jesus and Gabby Series and Love God Series

Words for your Psyche, Part I

About Alex Moises

Alex Moises - About / Contact