Pilatelika Pilipinas

Katalogo ng mga Selyo ng Pilipinas, 1961-1965

Mga Selyo ng Pilipinas - Taong 1961 - Pasalitang Paglalarawan

 

Enero 23 - Pebrero 23, 1961: (1-2) Pulong Postal sa Maynila - (3) Set ng 2 selyo; Pagpapaalalang lathala para sa 6c; Panghimpapawid na lathala para sa 30c

 

Halaga, Imahen at Petsa ng Paglathala:

  6c – (4-6) Merkiuri at globo – Enero 23

30c – Merkiuri at globo – Pebrero 23

 

 

Pebrero 16, 1961: Rikargong Antonio Luna - Set ng 1 selyo; Halaga at Imahen: 20c sa ibabaw ng 25c Karaniwang lathala ni Luna ng 1958

 

 

Mayo 2, 1961: Ika-2 Pambansang Pistahan ng Boy Scout, (7) Nirikargo - Set ng 4 na selyo

 

Halaga at Imahen:

10c – 10c sa ibabaw ng 6c + 4c Naglulutong Boy scout (dilaw na papel)

30c – 30c sa ibabaw ng 25c + 5c Boy scout at (8) pamamana (dilaw na papel)

10c – 10c sa ibabaw ng 6c + 4c Naglulutong Boy scout (puti na papel)

30c – 30c sa ibabaw ng 25c + 5c Boy scout at pamamana (puti na papel)

 

 

Hunyo 16, 1961: Ika-50 Anibersaryo ng Kolehiyo ng La Salle - Set ng 2 selyo; Pagpapaalalang lathala

 

Halaga at Imahen:

  6c – Kolehiyo ng La Salle, Maynila

10c – Kolehiyo ng La Salle, Maynila

 

 

Hunyo 19 at Disyembre 30, 1961: Sandaang Taon ng Kapanganakan ni Jose Rizal - Set of 5 selyo o set ng 4 na selyo at set ng 1 selyo; Pagpapaalalang lathala

 

Halaga at Imahen:

  5c – Rizal bilang mag-aaral

  6c – Lugar ng Kapanganakan ni Rizal: Calamba, Laguna

10c – Rizal at mga magulang

20c – Rizal kasama si Luna at Hidalgo sa Madrid

30c – Pagpatay kay at Kabayanihan ni Rizal

Petsa ng Paglathala:

  5c, 6c, 10c at 20c – Hunyo 19

30c – Disyembre 30

 

 

Hulyo 4, 1961: Ika-15 Anibersaryo ng Republika - Set ng 2 selyo; Pagpapaalalang lathala

 

Halaga at Imahen:

6c – Tatak “IKA 15 KAARAWAN Republika ng Pilipinas Hulyo 4, 1961” sa ibabaw ng 6c lathalang (9) SEATO ng 1959

25c – Tatak “IKA 15 KAARAWAN Republika ng Pilipinas Hulyo 4, 1961” sa ibabaw ng 25c lathalang SEATO ng 1959

 

 

Agosto 19, 1961: Selyong Pangkawanggawang Kontra TB - Set ng 1 selyo; Selyong Pangkawanggawang lathala; Halaga at Imahen: 6c + 5c - (10) Roxas Memoriyal TB Pabilyon

 

 

Oktubre 8, 1961: (11) Planong Kolombo - Set ng 2 selyo

 

Halaga at Imahen:

  5c – (12) Simbolo ng Planong Kolombo at globo

  6c – Simbolo ng Planong Kolombo at globo

 

 

Nobiyembre 30, 1961: Ginintuang Jubileo ng (13) Philippine Amateur Athletic Federation - Set ng 1 selyo; Halaga at Imahen: 6c “PAAF GOLDEN JUBILEE” na tatak sa ibabaw 10c Hukbong Himpapawid ng Pilipinas, lathala ng 1960

 

 

Disyembre 9, 1961: Samahan ng mga Empleyado ng Gobyerno - Set ng 2 selyo

 

Halaga at Imahen:

  5c – Kawani ng gobyerno sa selyo na hugis-dyamante

10c – Kawani ng gobyerno sa selyo na hugis-dyamante

 

 

Disyembre 30, 1961: Inagurasyong Macapagal-Pelaez - Set ng 1 selyo;

Halaga at Imahen: 6c “MACAPAGAL-PELAEZ INAUGURATION DEC. 30, 1961” na tatak sa ibabaw ng 25c tatak ng probinsiyang Capiz, lathala ng 1959

 

 

-------------------------

 

Kahulugan, Talababa at Diksiyonaryo:

 

P - Piso (Philippine peso/pesos); c - centavo (centavos); s - sentimo (sentimos); x - i-multiply (multiply by; times); O.B. - Official Business (opisyal na gawain); G.O. - Gawaing Opisyal (official business)

 

 

(1) Pulong - “Kumperensiya” sa wikang Filipino; “Conference” sa wikang Ingles

 

(2) Postal - Koreo

 

(3) Set - Isang grupo o tumpok na magkakaparehong bagay; Kabuoan ng bilang ng magka-grupo o magka-kaparehong bagay; ilwego

 

(4) Merkiuri - Ang mitolohikang Romanong diyos; “Mercury” sa wikang Ingles

 

(5) Mitolohika - “Mythological” sa wikang Ingles; Sa ibang salin, “mitolohiko”

 

(6) Mitolohia - “Mythology” sa wikang Ingles

 

(7) “Nirikargo” - “Surcharged” sa wikang Ingles

 

(8) Pamamana - “Archery” sa wikang Ingles

 

(9) SEATO - Tumutukoy sa “Southeast Asia Treaty Organization” sa wikang Ingles o “Pinagkasunduang Organisasyon ng Timog-Silangang Asya” sa wikang Filipino

 

(10) Roxas Memoriyal TB Pabilyon - Salin para sa “Roxas Memorial TB Pavilion”

 

(11) Planong Kolombo - Colombo Plan

 

(12) Simbolo - “Emblem” sa wikang Ingles

 

(13) Philippine Amateur Athletic Federation - Maaring salin sa Filipino: “Pederasyon ng Amatiur na Atletiko ng Pilipinas”

 

Pagpapaalalang Lathala - Commemorative issue

Karaniwang Lathala - Definitive issue

Espesyal na Lathala - Special issue

Panghimpapawid na Lathala - Airmail issue

Selyong Pangkawanggawang Lathala - Semi-Postal issue

Lathalang Espesyal na Pagpapadala - Special delivery

Katalogo o Listahan

1961   1962  1963   1964   1965

Imahen

1961   1962   1963   1964   1965


 

Hearts Philippines & Then Some

This is Uncle Alex and Gabby's website at Jimdo.com and this is the website for the Philippines and then some.

 

Help

 

Free Website at Jimdo.com

 

Pilatelika Pilipinas

Pilatelika Pilipinas at philippines-atbp.jimdofree.com

 

Photos

 

Gabby's Faith Expression

 

Jesus and Gabby Series and Love God Series

Words for your Psyche, Part I

About Alex Moises

Alex Moises - About / Contact