Marso 16, 1956: (1) “Liberty Wells” para sa mga (2) Lugar na Rural - (3) Set ng 2 selyo
5c – Pangulong Magsaysay, (4) barrio (sa probinsiya) at “liberty wells”
20c – Pangulong Magsaysay, barrio (sa probinsiya) at “liberty wells”
Agosto 1, 1956: Ika-5 Taunang Kumperensya ng “World Confederation of Organizations for the Teaching Profession” - Set ng 1 selyong (5-6) na may tatak; Halaga at Imahen: 5c - Tatak “WCOTP Conference” sa ibabaw ng karaniwang lathala ng 5c del Pilar ng 1952
Agosto 30, 1956: Ika-50 Anibersaryo ng (7) Pulang Krus ng Pilipinas - Set ng 2 selyo; Pagpapaalalang lathala
Halaga at Imahen:
5c – (8) Trabahador ng Pulang Krus at mga biktima ng sakuna
20c – Trabahador ng Pulang Krus at mga biktima ng sakuna
Oktubre 20, 1956 - Pebrero 16, 1957: Ika-12 Anibersaryo ng Pagdaong sa Leyte - Set ng 1 selyong may butas o ngipin at 1 selyong walang butas o ngipin / Merong pares ang selyong walang butas o ngipin; Pagpapaalalang lathala
Halaga, Imahen at Petsa ng Paglathala:
5c Selyong may Butas o Ngipin – Monumento para sa (9) pagdaong ng Amerika sa Leyte sa panahon ng Ikalawang Pangdaidig na Digmaan – October 20
5c Selyong Walang Butas o Ngipin – Monumento para sa pagdaong ng Amerika sa Leyte sa panahon ng Ikalawang Pangdaidig na Digmaan – February 16
Nobiyembre 13, 1956: Ika-350 Anibersaryo ng Unibersidad ng Santo Tomas - Set ng 2 selyo; Pagpapaalalang lathala
Halaga at Imahen:
5c – (10) Pangunahing gusali ng unibersidad at (11-12) paligid
60c – Pangunahing gusali ng unibersidad at paligid
Nobiyembre 28, 1956: Sandaang Taon ng Kapistahan ng Banal na Puso - Set ng 2 selyo; Pagpapaalalang lathala
Halaga at Imahen:
5c – Estatwa ni (13-14) Kristo Hesus
20c – Estatwa ni Kristo Hesus
Disyembre 7, 1956: Rikargong Kalasag - Set ng 3 selyo
Halaga at Imahen:
5c – 5c sa ibabaw ng 6c kalasag ng Cebung lathala ng 1951
5c – 5c sa ibabaw ng 6c kalasag ng Zamboanga na lathala ng 1951
5c – 5c sa ibabaw ng 6c kalasag ng Iloilo na lathala ng 1951
-------------------------
Kahulugan, Talababa at Diksiyonaryo:
P - Piso (Philippine peso/pesos); c - centavo (centavos); s - sentimo (sentimos); x - i-multiply (multiply by; times); O.B. - Official Business (opisyal na gawain)
(1) Liberty Wells - “Balon ng kalayaan” sa wikang Filipino
(2) Lugar na Rural - “Rural area” sa wikang Ingles; Mga nayon o barangay sa probinsiya
(3) Set - Isang grupo o tumpok na magkakaparehong bagay; Kabuoan ng bilang ng magka-grupo o magka-kaparehong bagay; ilwego
(4) Barrio - Nayon o barangay sa probinsiya; Pook sa probinsiya na hindi matutukoy na siyodad, o progresibo o maunlad na lugar
(5) “Na may Tatak” - Overprint
(6) Tinatakan - “Overprinted” sa wikang Ingles
(7) Pulang Krus - “Red Cross” sa wikang Ingles
(8) Trabahador - Manggagawa; Empleyado; “Worker” sa Ingles
(9) Pagdaong ng Amerika - Tinutukoy and pagdating ng hukbong sandatahan ng Estados Unidos sa golpo ng Leyte at pinamunuan ni Heneral Douglas MacArthur noong 1944
(10) Pangunahing Gusali - “Main Building” sa wikang Ingles
(11) Paligid - “Surrounding area” sa Ingles
(12) Pangunahing Gusali at Paligid - Tinutukoy ang kampus ng Unibersidad ng Santo Tomas
(13) Kristo Hesus - Jesus Christ
(14) Kristo Hesus - Kristo Jesus, Hesukristo, Jesukristo
Pagpapaalalang Lathala - Commemorative issue
Karaniwang Lathala - Definitive issue
Espesyal na Lathala - Special issue
Panghimpapawid na Lathala - Airmail issue
Selyong Pangkawanggawang Lathala - Semi-Postal issue
Lathalang Espesyal na Pagpapadala - Special delivery
Merong Pares ang Selyong Walang Butas o Ngipin - Imperforate pairs of stamps exist