Abril 23, 1954: Ika-1 Pambansang Boy Scout Jamboree - (1) Set ng 2 selyo; Tinatakan ng “FIRST NATIONAL BOY SCOUTS JAMBOREE APRIL 23-30, 1954” gamit ang itim (na tinta)
5c – Uri ng karaniwang lathala ng 5c del Pilar ng 1952 na tinatakan
18c – 18c sa ibabaw ng 50c ng karaniwang lathala ng 1947
Abril 25, 1954: (2) Sandaang Taon ng Selyo ng Pilipinas - Set ng 6 na selyo; Pagpapaalalang lathala para sa 5c, 18c at 30c; Panghimpapawid na lathala 10c, 20c at 50c
Halaga at Imahen:
5c – Unang selyo ng Pilipinas ng 1854, Pagdaong ni Magellan at Lugar ng Maynila
10c – Unang selyo ng Pilipinas ng 1854, Pagdaong ni Magellan at Lugar ng Maynila
18c – Unang selyo ng Pilipinas ng 1854, Pagdaong ni Magellan at Lugar ng Maynila
20c – Unang selyo ng Pilipinas ng 1854, Pagdaong ni Magellan at Lugar ng Maynila
30c – Unang selyo ng Pilipinas ng 1854, Pagdaong ni Magellan at Lugar ng Maynila
50c – Unang selyo ng Pilipinas ng 1854, Pagdaong ni Magellan at Lugar ng Maynila
Mayo 31, 1954: (3) Ikalawang Asyanong Palaro - Set ng 3 selyo; Espesyal na lathala
Halaga at Imahen:
5c – (4) Pagbato ng diskas at (5-6) simbolo ng Palaro
18c – Paglangoy at simbolo ng Palaro
30c – Boksing at simbolo ng Palaro
Setiyembre 6, 1954: Kumperensya sa Maynila ng 1954 - Set ng 2 (7) rikargong selyo; Karaniwang lathala
Halaga at Imahen:
5c – 5c sa ibabaw ng 10c ng karaniwang lathala ng 1947
18c – 18c sa ibabaw ng 20c ng karaniwang lathala ng 1947
Nobiyembre 30, 1954: Deklarasyon ng Kalayaan ng Pilipinas - Set ng 2 selyo; Pagpapaalalang lathala
Halaga at Imahen:
5c – (8) Binibini hawak ang bandera ng Pilipinas at Deklarasyon ng Kalayaan sa Kawit, Cavite
18c – Binibini hawak ang bandera ng Pilipinas at Deklarasyon ng Kalayaan sa Kawit, Cavite
Disyembre 30, 1954: (9) Taon ni Maria - Set ng 1 selyo; Halaga at Imahen: 1c - (10) Immaculada Concepcion
-------------------------
Kahulugan, Talababa at Diksiyonaryo:
P - Piso (Philippine peso/pesos); c - centavo (centavos); s - sentimo (sentimos); x - i-multiply (multiply by; times); O.B. - Official Business (opisyal na gawain)
(1) Set - Isang grupo o tumpok na magkakaparehong bagay; Kabuoan ng bilang ng magka-grupo o magka-kaparehong bagay; ilwego
(2) Sandaang Taon ng Selyo ng Pilipinas - “Philippine Postage Stamp Centenary” sa wikang Ingles; Isa pang salin sa Filipino na maaaring gamitin para sa “Philippine Postage Stamp Centenary”: Sandaang Taon ng Selyong Pangkoreo ng Pilipinas
(3) Asyanong Palaro - “Asian Games” sa wikang Ingles; Maaaring gamitin: "Palarong Asyano" o "Palarong Asya"
(4) Pagbato ng Diskas - “Discus throw” sa wikang Ingles
(5) Simbolo - “Emblem” sa wikang Ingles
(6) Simbolo - Sagisag
(7) Rikargong Selyo - Surcharged stamp
(8) Binibini - “Lady” o “woman” sa wikang Ingles
(9) Taon ni Maria - “Marian Year” sa wikang Ingles
(10) Immaculada Concepcion - Immaculate Concepcion
Pagpapaalalang Lathala - Commemorative issue
Karaniwang Lathala - Definitive issue
Espesyal na Lathala - Special issue
Panghimpapawid na Lathala - Airmail issue
Selyong Pangkawanggawang Lathala - Semi-Postal issue
Lathalang Espesyal na Pagpapadala - Special delivery
Merong Pares ang Selyong Walang Butas o Ngipin - Imperforate pairs of stamps exist